Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 90 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 90 sa 176 • Tagalog


إِلَّا الَّذِينَ يَصِلُونَ إِلَىٰ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ مِيثَاقٌ أَوْ جَاءُوكُمْ حَصِرَتْ صُدُورُهُمْ أَنْ يُقَاتِلُوكُمْ أَوْ يُقَاتِلُوا قَوْمَهُمْ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَسَلَّطَهُمْ عَلَيْكُمْ فَلَقَاتَلُوكُمْ ۚ فَإِنِ اعْتَزَلُوكُمْ فَلَمْ يُقَاتِلُوكُمْ وَأَلْقَوْا إِلَيْكُمُ السَّلَمَ فَمَا جَعَلَ اللَّهُ لَكُمْ عَلَيْهِمْ سَبِيلًا 90
Pagsasalin:
maliban sa mga umaabot sa mga taong sa pagitan ninyo at ng mga ito ay may isang kasunduan, o sa mga dumating sa inyo habang nanikip ang mga dibdib nila na makipaglaban sila sa inyo o makipaglaban sila sa mga kalipi nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpanaig Siya sa inyo saka talaga sanang kumalaban sila sa inyo. Kaya kung humiwalay sila sa inyo saka hindi sila nakipaglaban sa inyo at nag-ukol sa inyo ng kapayapaan, hindi maglalagay si Allāh para sa inyo laban sa kanila ng isang daan. An-Nisā’ 4:90
Tafsīr:
maliban sa sinumang sumapit kabilang sa kanila sa mga tao na sa pagitan ninyo at ng mga ito ay may isang usapang nagbigay-diin sa pagtigil sa pakikipaglaban, o mga dumating sa inyo samantalang nanikip ang mga dibdib nila kaya hindi sila nagnanais ng pakikipaglaban sa inyo ni ng pakikipaglaban sa mga kalipi nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpangibabaw Siya sa kanila laban sa inyo saka nakipaglaban sila sa inyo. Kaya tanggapin ninyo mula kay Allāh ang pangangalaga Niya at huwag kayong humarang sa kanila sa pamamagitan ng pagpatay o pagbihag. Kaya kung lumayo sila sa inyo saka hindi sila nakipaglaban sa inyo at nagpasakop sila sa inyo bilang mga nakikipagpayapaan, na mga tumitigil sa pakikipaglaban sa inyo, hindi maglalagay si Allāh para sa inyo laban sa kanila ng isang daan sa pagpatay sa kanila o pagbihag sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 89 Susunod An-Nisā’ • Talata 91