Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 8

وَإِذَا حَضَرَ الْقِسْمَةَ أُولُو الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينُ فَارْزُقُوهُمْ مِنْهُ وَقُولُوا لَهُمْ قَوْلًا مَعْرُوفًا 8 ٨

Kapag dumalo sa paghahati ang mga mayroong pagkakamag-anak, ang mga ulila, at ang mga dukha ay magkaloob kayo sa kanila mula rito at magsabi kayo sa kanila ng nakabubuti. (8)

Tafsīr
Kapag dumalo sa paghahati ng naiwan ang hindi nagmamana kabilang sa mga kamag-anak, mga ulila, at mga dukha ay magbigay kayo sa kanila, sa paraang itinuturing na kaibig-ibig, mula sa yamang ito bago ng paghahati rito ng naging kaaya-aya sa mga sarili ninyo sapagkat sila ay nag-aabang-abang nito at pumunta sila sa inyo nang walang hirap. Magsabi kayo sa kanila ng magandang salita na walang kasagwaan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba