Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 90)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 90

إِلَّا الَّذِينَ يَصِلُونَ إِلَىٰ قَوْمٍ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُمْ مِيثَاقٌ أَوْ جَاءُوكُمْ حَصِرَتْ صُدُورُهُمْ أَنْ يُقَاتِلُوكُمْ أَوْ يُقَاتِلُوا قَوْمَهُمْ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَسَلَّطَهُمْ عَلَيْكُمْ فَلَقَاتَلُوكُمْ ۚ فَإِنِ اعْتَزَلُوكُمْ فَلَمْ يُقَاتِلُوكُمْ وَأَلْقَوْا إِلَيْكُمُ السَّلَمَ فَمَا جَعَلَ اللَّهُ لَكُمْ عَلَيْهِمْ سَبِيلًا 90 ٩٠

maliban sa mga umaabot sa mga taong sa pagitan ninyo at ng mga ito ay may isang kasunduan, o sa mga dumating sa inyo habang nanikip ang mga dibdib nila na makipaglaban sila sa inyo o makipaglaban sila sa mga kalipi nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpanaig Siya sa inyo saka talaga sanang kumalaban sila sa inyo. Kaya kung humiwalay sila sa inyo saka hindi sila nakipaglaban sa inyo at nag-ukol sa inyo ng kapayapaan, hindi maglalagay si Allāh para sa inyo laban sa kanila ng isang daan. (90)

Tafsīr
maliban sa sinumang sumapit kabilang sa kanila sa mga tao na sa pagitan ninyo at ng mga ito ay may isang usapang nagbigay-diin sa pagtigil sa pakikipaglaban, o mga dumating sa inyo samantalang nanikip ang mga dibdib nila kaya hindi sila nagnanais ng pakikipaglaban sa inyo ni ng pakikipaglaban sa mga kalipi nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpangibabaw Siya sa kanila laban sa inyo saka nakipaglaban sila sa inyo. Kaya tanggapin ninyo mula kay Allāh ang pangangalaga Niya at huwag kayong humarang sa kanila sa pamamagitan ng pagpatay o pagbihag. Kaya kung lumayo sila sa inyo saka hindi sila nakipaglaban sa inyo at nagpasakop sila sa inyo bilang mga nakikipagpayapaan, na mga tumitigil sa pakikipaglaban sa inyo, hindi maglalagay si Allāh para sa inyo laban sa kanila ng isang daan sa pagpatay sa kanila o pagbihag sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba