Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 93

وَمَنْ يَقْتُلْ مُؤْمِنًا مُتَعَمِّدًا فَجَزَاؤُهُ جَهَنَّمُ خَالِدًا فِيهَا وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَلَعَنَهُ وَأَعَدَّ لَهُ عَذَابًا عَظِيمًا 93 ٩٣

Ang sinumang papatay sa isang mananampalataya nang sinasadya, ang ganti sa kanya ay Impiyerno bilang mananatili roon. Magagalit si Allāh sa kanya, susumpa sa kanya, at maghahanda sa kanya ng isang pagdurusang sukdulan. (93)

Tafsīr
Ang sinumang papatay ng isang mananampalataya sa paraang pananadya nang walang karapatan, ang ganti sa kanya ay pagpasok sa Impiyerno bilang isang mananatili roon kung nagturing siya na ipinahihintulot iyon. Magagalit si Allāh sa kanya, magtataboy sa kanya mula sa awa Nito, at maghahanda para sa kanya ng isang pagdurusang mabigat dahil sa paggawa-gawa niya ng malaking pagkakasalang ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba