Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 98)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
maliban sa mga sinisiil kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata na hindi nakakakaya ng isang kaparaanan at hindi napapatnubayan sa landas [sa paglikas] (98)
Tafsīr
Ibinubukod sa bantang ito ang mga mahinang may mga maidadahilan, mga lalaki man o mga babae o mga paslit, na kabilang sa mga walang lakas na maipantatanggol nila sa mga sarili nila laban sa kawalang-katarungan at panlulupig, at hindi napapatnubayan sa isang daan upang makatakas sa dinaranas nilang ito na panlulupig. Ang mga iyon, harinawa, si Allāh dahil sa awa Niya at kabaitan Niya ay magpaumanhin sa kanila. Laging si Allāh ay Mapagpaumanhin sa mga lingkod Niya, Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: