Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 10

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنَادَوْنَ لَمَقْتُ اللَّهِ أَكْبَرُ مِنْ مَقْتِكُمْ أَنْفُسَكُمْ إِذْ تُدْعَوْنَ إِلَى الْإِيمَانِ فَتَكْفُرُونَ 10 ١٠

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay tatawagin [sa Araw ng Pagbangon]: “Talagang ang pagkamuhi ni Allāh [ngayon sa inyo] ay higit na malaki kaysa sa pagkamuhi ninyo sa mga sarili ninyo noong inaanyayahan kayo sa pananampalataya ngunit tumatanggi kayong sumampalataya.” (10)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay tatawagin sa Araw ng Pagbangon kapag papasok sila sa Apoy. Kamumuhian nila ang mga sarili nila at susumpain nila ang mga ito: "Talagang ang tindi ng pagkasuklam ni Allāh para sa inyo ay higit na mabigat kaysa sa tindi ng pagkasuklam ninyo para sa mga sarili ninyo nang kayo dati ay inaanyayahan sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh ngunit tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo kasama sa Kanya ng mga diyos."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba