Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 10 sa 85 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنَادَوْنَ لَمَقْتُ اللَّهِ أَكْبَرُ مِنْ مَقْتِكُمْ أَنْفُسَكُمْ إِذْ تُدْعَوْنَ إِلَى الْإِيمَانِ فَتَكْفُرُونَ 10
Pagsasalin:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay tatawagin [sa Araw ng Pagbangon]: “Talagang ang pagkamuhi ni Allāh [ngayon sa inyo] ay higit na malaki kaysa sa pagkamuhi ninyo sa mga sarili ninyo noong inaanyayahan kayo sa pananampalataya ngunit tumatanggi kayong sumampalataya.” Ghāfir 40:10
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay tatawagin sa Araw ng Pagbangon kapag papasok sila sa Apoy. Kamumuhian nila ang mga sarili nila at susumpain nila ang mga ito: "Talagang ang tindi ng pagkasuklam ni Allāh para sa inyo ay higit na mabigat kaysa sa tindi ng pagkasuklam ninyo para sa mga sarili ninyo nang kayo dati ay inaanyayahan sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh ngunit tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo kasama sa Kanya ng mga diyos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 9 Susunod Ghāfir • Talata 11