Magsanggalang Ka sa kanila sa mga masagwang gawa. Ang sinumang isasanggalang Mo sa mga masagwang gawa sa Araw na iyon ay naawa Ka nga sa kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.” Ghāfir 40:9 ⧉
Tafsīr:
Mangalaga Ka sa kanila laban sa mga masagwa sa mga gawa nila, kaya huwag Mo silang pagdusahin dahil sa mga ito. Ang sinumang pangangalagaan Mo sa Araw ng Pagbangon laban sa parusa sa mga masagwa sa mga gawa niya ay kinaawaan Mo nga. Ang pagsasanggalang na iyon laban sa pagdurusa at ang awa sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso ay ang pagkatamong sukdulan na hindi napapantayan ng [ibang] pagkatamo."