Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 21

أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ كَانُوا مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا هُمْ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ 21 ٢١

Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga iyon dati bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas at mga bakas sa lupain, ngunit dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila laban kay Allāh ng anumang tagasangga. (21)

Tafsīr
Hindi ba humayo ang mga tagapagtambal na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling noong bago pa nila? Iyon nga ay naging isang wakas na masagwa. Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas. Nag-iwan ang mga iyon sa lupa ng mga gusali samantalang hindi nag-iwan dito ang mga ito. Ngunit ipinahamak sila ni Allāh dahilan sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila ng tagasanggalang na magsasanggalang sa kanila laban sa parusa ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba