Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 21 sa 85 • Tagalog


أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ كَانُوا مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا هُمْ أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ 21
Pagsasalin:
Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga iyon dati bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas at mga bakas sa lupain, ngunit dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila laban kay Allāh ng anumang tagasangga. Ghāfir 40:21
Tafsīr:
Hindi ba humayo ang mga tagapagtambal na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling noong bago pa nila? Iyon nga ay naging isang wakas na masagwa. Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas. Nag-iwan ang mga iyon sa lupa ng mga gusali samantalang hindi nag-iwan dito ang mga ito. Ngunit ipinahamak sila ni Allāh dahilan sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila ng tagasanggalang na magsasanggalang sa kanila laban sa parusa ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 20 Susunod Ghāfir • Talata 22