Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 20 sa 85 • Tagalog


وَاللَّهُ يَقْضِي بِالْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَقْضُونَ بِشَيْءٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ 20
Pagsasalin:
Si Allāh ay humuhusga ayon sa katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi humuhusga ayon sa anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin, ang Nakakikita. Ghāfir 40:20
Tafsīr:
Si Allāh ay humahatol ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya lumalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nito ni sa pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito, samantalang ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ay hindi humahatol ayon sa anuman dahil ang mga ito ay hindi nagmamay-ari ng anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga layunin nila at mga gawain nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 19 Susunod Ghāfir • Talata 21