Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 22 sa 85 • Tagalog


ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانَتْ تَأْتِيهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَكَفَرُوا فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ 22
Pagsasalin:
Iyon ay [nasadlak sa kanila] dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya [sa mga ito] kaya dumaklot sa kanila si Allāh. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa. Ghāfir 40:22
Tafsīr:
Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila mula kay Allāh ng mga patunay na maliwanag at mga katwirang maningning ngunit tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya. Sa kabila ng taglay nila na lakas, dinaklot sila ni Allāh at ipinahamak Niya sila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 21 Susunod Ghāfir • Talata 23