Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 22

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانَتْ تَأْتِيهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَكَفَرُوا فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ قَوِيٌّ شَدِيدُ الْعِقَابِ 22 ٢٢

Iyon ay [nasadlak sa kanila] dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya [sa mga ito] kaya dumaklot sa kanila si Allāh. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa. (22)

Tafsīr
Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila mula kay Allāh ng mga patunay na maliwanag at mga katwirang maningning ngunit tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya. Sa kabila ng taglay nila na lakas, dinaklot sila ni Allāh at ipinahamak Niya sila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba