Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 29

يَا قَوْمِ لَكُمُ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ظَاهِرِينَ فِي الْأَرْضِ فَمَنْ يَنْصُرُنَا مِنْ بَأْسِ اللَّهِ إِنْ جَاءَنَا ۚ قَالَ فِرْعَوْنُ مَا أُرِيكُمْ إِلَّا مَا أَرَىٰ وَمَا أَهْدِيكُمْ إِلَّا سَبِيلَ الرَّشَادِ 29 ٢٩

O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga tagapangibabaw sa lupain [ng Ehipto], ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni Allāh kung dumating ito sa atin?” Nagsabi si Paraon: “Wala akong ipinakikita sa inyo kundi ang nakikita ko at wala akong ipinapatnubay sa inyo kundi ang landas ng kagabayan.” (29)

Tafsīr
O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga nananaig sa lupain ng Ehipto, ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung dumating ito sa atin dahilan sa pagpatay kay Moises?" Nagsabi si Paraon: "Ang pananaw ay ang pananaw ko at ang kahatulan ay kahatulan ko. Nagpasya na ako na patayin si Moises bilang pagtutulak sa kasamaan at kaguluhan. Hindi ako gumagabay sa inyo malibang tungo sa tumpak at tama."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba