Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 34

وَلَقَدْ جَاءَكُمْ يُوسُفُ مِنْ قَبْلُ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا زِلْتُمْ فِي شَكٍّ مِمَّا جَاءَكُمْ بِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَنْ يَبْعَثَ اللَّهُ مِنْ بَعْدِهِ رَسُولًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُرْتَابٌ 34 ٣٤

Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyan ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo natigil sa isang pagdududa hinggil sa inihatid niya sa inyo; hanggang sa nang namatay siya ay nagsabi kayo: “Hindi magpapadala si Allāh nang matapos niya ng isang sugo.” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan. (34)

Tafsīr
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose noong bago pa ni Moises ng mga patotoong maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit hindi kayo huminto sa isang pagdududa at isang pagpapasinungaling sa inihatid niya sa inyo hanggang sa, nang pinapanaw siya, nadagdagan kayo ng isang pagdududa at isang pag-aalinlangan at nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh noong matapos niya ng isang sugo." Tulad ng pagkaligaw ninyong ito palayo sa katotohanan, magliligaw si Allāh sa bawat sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na nagdududa sa kaisahan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba