Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 34 sa 85 • Tagalog


وَلَقَدْ جَاءَكُمْ يُوسُفُ مِنْ قَبْلُ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا زِلْتُمْ فِي شَكٍّ مِمَّا جَاءَكُمْ بِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَنْ يَبْعَثَ اللَّهُ مِنْ بَعْدِهِ رَسُولًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُرْتَابٌ 34
Pagsasalin:
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyan ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo natigil sa isang pagdududa hinggil sa inihatid niya sa inyo; hanggang sa nang namatay siya ay nagsabi kayo: “Hindi magpapadala si Allāh nang matapos niya ng isang sugo.” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan. Ghāfir 40:34
Tafsīr:
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose noong bago pa ni Moises ng mga patotoong maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit hindi kayo huminto sa isang pagdududa at isang pagpapasinungaling sa inihatid niya sa inyo hanggang sa, nang pinapanaw siya, nadagdagan kayo ng isang pagdududa at isang pag-aalinlangan at nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh noong matapos niya ng isang sugo." Tulad ng pagkaligaw ninyong ito palayo sa katotohanan, magliligaw si Allāh sa bawat sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na nagdududa sa kaisahan Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 33 Susunod Ghāfir • Talata 35