Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 35 sa 85 • Tagalog


الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَانٍ أَتَاهُمْ ۖ كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلْبِ مُتَكَبِّرٍ جَبَّارٍ 35
Pagsasalin:
Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si Allāh sa bawat pusong nagpapakamalaking palasupil. Ghāfir 40:35
Tafsīr:
Ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh upang magpabula sila sa mga ito nang walang katwiran ni patotoong pumunta sa kanila ay lumaki ang pakikipagtalo nila sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Kung paanong nagpasak si Allāh sa mga puso ng mga nakikipag-alitang ito hinggil sa mga tanda Niya para sa pagpapabula sa mga ito, magpapasak si Allāh sa bawat pusong nagmamalaki sa paglayo sa katotohanan, na nagpapakamapaniil, kaya hindi ito napapatnubayan tungo sa katumpakan at hindi nagagabayan tungo sa kabutihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 34 Susunod Ghāfir • Talata 36