Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 35

الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَانٍ أَتَاهُمْ ۖ كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلْبِ مُتَكَبِّرٍ جَبَّارٍ 35 ٣٥

Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si Allāh sa bawat pusong nagpapakamalaking palasupil. (35)

Tafsīr
Ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh upang magpabula sila sa mga ito nang walang katwiran ni patotoong pumunta sa kanila ay lumaki ang pakikipagtalo nila sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Kung paanong nagpasak si Allāh sa mga puso ng mga nakikipag-alitang ito hinggil sa mga tanda Niya para sa pagpapabula sa mga ito, magpapasak si Allāh sa bawat pusong nagmamalaki sa paglayo sa katotohanan, na nagpapakamapaniil, kaya hindi ito napapatnubayan tungo sa katumpakan at hindi nagagabayan tungo sa kabutihan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba