Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān] kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag luminlang sa iyo ang [malayang] paggala-gala nila sa bayan. (4)
Tafsīr
Walang nakikipag-alitan hinggil sa mga talata ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at katapatan ng mga sugo Niya kundi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh dahil sa katiwalian ng mga pag-iisip nila. Kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag manlinlang sa iyo ang taglay nila na kaluwagan sa panustos at mga biyaya sapagkat ang pagpapalugit sa kanila ay isang pagpapain para sa kanila at isang pagpapakana sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: