Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 4 sa 85 • Tagalog


مَا يُجَادِلُ فِي آيَاتِ اللَّهِ إِلَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَلَا يَغْرُرْكَ تَقَلُّبُهُمْ فِي الْبِلَادِ 4
Pagsasalin:
Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān] kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag luminlang sa iyo ang [malayang] paggala-gala nila sa bayan. Ghāfir 40:4
Tafsīr:
Walang nakikipag-alitan hinggil sa mga talata ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at katapatan ng mga sugo Niya kundi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh dahil sa katiwalian ng mga pag-iisip nila. Kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag manlinlang sa iyo ang taglay nila na kaluwagan sa panustos at mga biyaya sapagkat ang pagpapalugit sa kanila ay isang pagpapain para sa kanila at isang pagpapakana sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 3 Susunod Ghāfir • Talata 5