Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 5 sa 85 • Tagalog


كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَالْأَحْزَابُ مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ وَهَمَّتْ كُلُّ أُمَّةٍ بِرَسُولِهِمْ لِيَأْخُذُوهُ ۖ وَجَادَلُوا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوا بِهِ الْحَقَّ فَأَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ 5
Pagsasalin:
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe [sa propeta nila] at ang mga [tumatangging sumampalatayang] lapian matapos na nila. Nagbalak ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako, [si Allāh,] sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko? Ghāfir 40:5
Tafsīr:
Nagpasinungaling bago ng mga ito ang mga kababayan ni Noe at nagpasinungaling bago nila ang mga lapian matapos ng mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling ang [liping] `Ād, ang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa Madyan. Nagpasinungaling si Paraon. Nagtangka ang bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan sa sugo nito upang dumaklot doon para patayin iyon. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng taglay nila na kabulaanan upang mag-alis sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako sa mga kalipunang iyon sa kabuuan ng mga iyon. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang parusa Ko sa kanila sapagkat ito nga ay naging isang parusang matindi!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 4 Susunod Ghāfir • Talata 6