Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 57)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 57

لَخَلْقُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ أَكْبَرُ مِنْ خَلْقِ النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 57 ٥٧

Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. (57)

Tafsīr
Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa, dahil sa kalakihan ng mga ito at pagkalawak ng mga ito, ay higit na mabigat kaysa sa pagkalikha sa mga tao. Kaya ang lumikha sa mga ito sa kabila ng laki ng mga ito ay nakakakaya sa pagpapabangon sa mga patay mula sa mga libingan nila bilang mga buhay upang tumuos sa kanila at gumanti sa kanila, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam kaya hindi sila nagsasaalang-alang dito at hindi gumagawa rito bilang patunay sa pagkabuhay na muli sa kabila ng kaliwanagan nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba