Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. Ghāfir 40:57 ⧉
Tafsīr:
Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa, dahil sa kalakihan ng mga ito at pagkalawak ng mga ito, ay higit na mabigat kaysa sa pagkalikha sa mga tao. Kaya ang lumikha sa mga ito sa kabila ng laki ng mga ito ay nakakakaya sa pagpapabangon sa mga patay mula sa mga libingan nila bilang mga buhay upang tumuos sa kanila at gumanti sa kanila, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam kaya hindi sila nagsasaalang-alang dito at hindi gumagawa rito bilang patunay sa pagkabuhay na muli sa kabila ng kaliwanagan nito.