Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 56 sa 85 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَانٍ أَتَاهُمْ ۙ إِنْ فِي صُدُورِهِمْ إِلَّا كِبْرٌ مَا هُمْ بِبَالِغِيهِ ۚ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ 56
Pagsasalin:
Tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang isang katunayang pumunta sa kanila, walang nasa mga dibdib nila kundi [pagnanais ng] isang pagmamalaking hindi sila makaaabot roon. Kaya humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. Ghāfir 40:56
Tafsīr:
Tunay na ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh dala ng pagsisikap para sa pagpapabula sa mga ito nang walang isang katwiran ni isang patotoo na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh ay walang nag-uudyok sa kanila roon kundi ang pagnanais ng pagmamataas at pagpapakamalaki laban sa katotohanan. Hindi sila aabot sa ninanais nila na pagmamataas laban doon. Kaya magpasanggalang ka, O Sugo, kay Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga ginagawa nila: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 55 Susunod Ghāfir • Talata 57