Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa gabi at pag-uumaga. Ghāfir 40:55 ⧉
Tafsīr:
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa dinaranas mo na pagpapasinungaling ng mga kalipi mo at pananakit nila; tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pag-alalay ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Humiling ka ng kapatawaran sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa simula ng maghapon at wakas nito.