Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 5

كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَالْأَحْزَابُ مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ وَهَمَّتْ كُلُّ أُمَّةٍ بِرَسُولِهِمْ لِيَأْخُذُوهُ ۖ وَجَادَلُوا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوا بِهِ الْحَقَّ فَأَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ 5 ٥

Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe [sa propeta nila] at ang mga [tumatangging sumampalatayang] lapian matapos na nila. Nagbalak ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako, [si Allāh,] sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko? (5)

Tafsīr
Nagpasinungaling bago ng mga ito ang mga kababayan ni Noe at nagpasinungaling bago nila ang mga lapian matapos ng mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling ang [liping] `Ād, ang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa Madyan. Nagpasinungaling si Paraon. Nagtangka ang bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan sa sugo nito upang dumaklot doon para patayin iyon. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng taglay nila na kabulaanan upang mag-alis sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako sa mga kalipunang iyon sa kabuuan ng mga iyon. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang parusa Ko sa kanila sapagkat ito nga ay naging isang parusang matindi!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba