Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 61

اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِتَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ 61 ٦١

Si Allāh ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat. (61)

Tafsīr
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang tagapagpadilim upang tumahan kayo roon at makapagpahinga kayo, at gumawa ng maghapon bilang tagapagtanglaw na tagapagbigay-liwanag upang magtrabaho kayo roon. Tunay na si Allāh ay talagang may dakilang kabutihang-loob sa mga tao nang nagpanagana Siya sa kanila mula nakahayag sa mga biyaya Niya at nakakubli sa mga ito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa ibiniyaya Niya sa kanila mula sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba