Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 67

هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ يُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوا أَشُدَّكُمْ ثُمَّ لِتَكُونُوا شُيُوخًا ۚ وَمِنْكُمْ مَنْ يُتَوَفَّىٰ مِنْ قَبْلُ ۖ وَلِتَبْلُغُوا أَجَلًا مُسَمًّى وَلَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ 67 ٦٧

Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyan – at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa. (67)

Tafsīr
Siya ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos gumawa sa paglikha sa inyo matapos niya mula sa isang patak, pagkatapos matapos ng patak ay mula sa isang dugong namuo, pagkatapos matapos niyon ay nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga batang maliliit, pagkatapos upang sumapit kayo sa gulang ng kalakasan ng katawan, pagkatapos upang lumaki kayo hanggang sa kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na namamatay bago niyon – at upang umabot kayo sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi kayo nakababawas doon at hindi kayo nakadaragdag doon, at nang sa gayon kayo ay makinabang sa mga katwiran at mga patotoong ito sa kakayahan Niya at kaisahan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba