Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 67 sa 85 • Tagalog


هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ يُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوا أَشُدَّكُمْ ثُمَّ لِتَكُونُوا شُيُوخًا ۚ وَمِنْكُمْ مَنْ يُتَوَفَّىٰ مِنْ قَبْلُ ۖ وَلِتَبْلُغُوا أَجَلًا مُسَمًّى وَلَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ 67
Pagsasalin:
Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyan – at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa. Ghāfir 40:67
Tafsīr:
Siya ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos gumawa sa paglikha sa inyo matapos niya mula sa isang patak, pagkatapos matapos ng patak ay mula sa isang dugong namuo, pagkatapos matapos niyon ay nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga batang maliliit, pagkatapos upang sumapit kayo sa gulang ng kalakasan ng katawan, pagkatapos upang lumaki kayo hanggang sa kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na namamatay bago niyon – at upang umabot kayo sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi kayo nakababawas doon at hindi kayo nakadaragdag doon, at nang sa gayon kayo ay makinabang sa mga katwiran at mga patotoong ito sa kakayahan Niya at kaisahan Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 66 Susunod Ghāfir • Talata 68