Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 66 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 66 sa 85 • Tagalog


قُلْ إِنِّي نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَمَّا جَاءَنِيَ الْبَيِّنَاتُ مِنْ رَبِّي وَأُمِرْتُ أَنْ أُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ 66
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh, noong dumating sa akin ang mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ko, at inutusan na magpasakop sa Panginoon ng mga nilalang.” Ghāfir 40:66
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh na sumamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala, nang dumating sa akin ang mga patotoo at ang mga patunay na maliwanag sa kabulaanan ng pagsamba sa mga ito, at inutusan ni Allāh na magpaakay sa Kanya lamang sa pamamagitan ng pagsamba sapagkat Siya ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito: walang Panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 65 Susunod Ghāfir • Talata 67