Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito. Ghāfir 40:68 ⧉
Tafsīr:
Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-buhay at Siya lamang ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari.