Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 77)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 77

فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا يُرْجَعُونَ 77 ٧٧

Kay magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Kaya kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapapanaw nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin pababalikin sila [para gantihan]. (77)

Tafsīr
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pananakit ng mga kalipi mo at pagpapasinungaling nila; tunay na ang pangako ni Allāh ng pag-aadya sa iyo ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo sa buhay mo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa gaya ng nangyari sa Araw ng Badr o magpapapanaw nga Kami sa iyo bago niyon. Saka sa Amin lamang sila panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon, saka gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila para papasukin Namin sila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba