Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na matindi sa lakas at mga bakas sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit. (82)
Tafsīr
Kaya hindi ba humayo ang mga tagapagpasinungaling na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa pamamagitan ng mga iyon? Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na marami kaysa sa kanila sa mga yaman, higit na mabigat sa kanila sa lakas, at higit na matindi sa mga impluwensiya sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit na lakas noong dumating sa kanila ang nagpapahamak na pagdurusang dulot ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: