Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 82 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 82 sa 85 • Tagalog


أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَانُوا أَكْثَرَ مِنْهُمْ وَأَشَدَّ قُوَّةً وَآثَارًا فِي الْأَرْضِ فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 82
Pagsasalin:
Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na matindi sa lakas at mga bakas sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit. Ghāfir 40:82
Tafsīr:
Kaya hindi ba humayo ang mga tagapagpasinungaling na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa pamamagitan ng mga iyon? Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na marami kaysa sa kanila sa mga yaman, higit na mabigat sa kanila sa lakas, at higit na matindi sa mga impluwensiya sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit na lakas noong dumating sa kanila ang nagpapahamak na pagdurusang dulot ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 81 Susunod Ghāfir • Talata 83