Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 83 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 83 sa 85 • Tagalog


فَلَمَّا جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَرِحُوا بِمَا عِنْدَهُمْ مِنَ الْعِلْمِ وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ 83
Pagsasalin:
Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay, natuwa sila sa taglay nila na kaalaman [na sumasalungat sa inihatid ng mga sugo] at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya. Ghāfir 40:83
Tafsīr:
Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo sa kanila ng mga patotoong maliwanag, nagpasinungaling sila sa mga ito at nalugod sila sa pagkapit sa taglay nila na kaalamang sumasalungat sa inihatid sa kanila ng mga sugo sa kanila. Bumaba sa kanila ang dati nilang tinutuya na pagdurusang dating ipinangangamba sa kanila ng mga sugo sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 82 Susunod Ghāfir • Talata 84