Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 12

فَقَضَاهُنَّ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ فِي يَوْمَيْنِ وَأَوْحَىٰ فِي كُلِّ سَمَاءٍ أَمْرَهَا ۚ وَزَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِمَصَابِيحَ وَحِفْظًا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ 12 ١٢

Saka tumapos Siya sa mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at nagkasi Siya sa bawat langit ng utos dito. Gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at [nagtalaga sa mga ito] bilang pangangalaga [laban sa mga demonyo]. Iyon ay ang pagtatakda [ni Allāh], ang Makapangyarihan, ang Maalam. (12)

Tafsīr
Saka lumubos si Allāh sa paglikha ng mga langit sa dalawang araw: ang araw ng Huwebes at ang araw ng Biyernes. Sa dalawang [araw na] ito, nalubos ang paglikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Kumasi si Allāh sa bawat langit ng itinatakda Niya rito at ipinag-uutos Niya rito na pagtalima at pagsamba. Ginayakan Niya ang langit na pinakamababa ng mga bituin at pinangalagaan Niya ang langit sa pamamagitan ng mga ito laban sa panakaw na pakikinig ng mga demonyo. Ang nabanggit na iyon sa kabuuan niyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa mga nilikha Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba