Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 15)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hinggil sa [liping] `Ād, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: “Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?” Hindi ba sila nagsaalang-alang na si Allāh na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagkakaila. (15)
Tafsīr
Tungkol sa `Ād na mga kalipi ni Hūd, kasama ng kawalang-pananampalataya nila kay Allāh ay nagpakamalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan, lumabag sila sa katarungan sa mga nakapaligid sa kanila, at nagsabi sila habang sila ay nadadaya dahil sa lakas nila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Walang isang higit na matindi sa kanila sa lakas ayon sa paghahaka-haka nila kaya tumugon si Allāh sa kanila: "Kaya ba hindi nakaaalam ang mga ito at nakasasaksi na si Allāh na lumikha sa kanila at naglagak sa kanila ng lakas na nagsanhi ng pagpapalabis nila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na dinala ni Hūd – sumakanya ang pangangalaga."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: