Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 15 sa 54 • Tagalog


فَأَمَّا عَادٌ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَقَالُوا مَنْ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةً ۖ أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَهُمْ هُوَ أَشَدُّ مِنْهُمْ قُوَّةً ۖ وَكَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ 15
Pagsasalin:
Hinggil sa [liping] `Ād, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: “Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?” Hindi ba sila nagsaalang-alang na si Allāh na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagkakaila. Fuṣṣilat 41:15
Tafsīr:
Tungkol sa `Ād na mga kalipi ni Hūd, kasama ng kawalang-pananampalataya nila kay Allāh ay nagpakamalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan, lumabag sila sa katarungan sa mga nakapaligid sa kanila, at nagsabi sila habang sila ay nadadaya dahil sa lakas nila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Walang isang higit na matindi sa kanila sa lakas ayon sa paghahaka-haka nila kaya tumugon si Allāh sa kanila: "Kaya ba hindi nakaaalam ang mga ito at nakasasaksi na si Allāh na lumikha sa kanila at naglagak sa kanila ng lakas na nagsanhi ng pagpapalabis nila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na dinala ni Hūd – sumakanya ang pangangalaga."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 14 Susunod Fuṣṣilat • Talata 16