Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang hanging humahagunot sa mga araw na sawing-palad upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya habang sila ay hindi iaadya. Fuṣṣilat 41:16 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpadala Kami sa kanila ng isang hanging may tunog na nakababagabag sa mga araw na malas sa kanila dahil sa dulot nito na pagdurusa upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusang dulot ng pagkaaba at pagkahamak para sa kanila sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na matindi sa pang-aaba sa kanila habang sila ay hindi nakatatagpo ng mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa.