Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 17 sa 54 • Tagalog


وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيْنَاهُمْ فَاسْتَحَبُّوا الْعَمَىٰ عَلَى الْهُدَىٰ فَأَخَذَتْهُمْ صَاعِقَةُ الْعَذَابِ الْهُونِ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 17
Pagsasalin:
Hinggil sa [liping] Thamūd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit umibig sila nang higit sa pagkabulag kaysa sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang nakakamit [na mga pagsuway]. Fuṣṣilat 41:17
Tafsīr:
Hinggil sa Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ, nagpatnubay nga Kami sa kanila sa pamamagitan ng paglilinaw sa kanila ng daan ng katotohanan ngunit minagaling nila ang pagkaligaw kaysa sa kapatnubayan tungo sa katotohanan, kaya nagpahamak sa kanila ang lintik ng pagdurusang nang-aaba dahilan sa dati nilang nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 16 Susunod Fuṣṣilat • Talata 18