Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at nangingilag magkasala noon. Fuṣṣilat 41:18 ⧉
Tafsīr:
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya habang sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Nagligtas Kami sa kanila mula sa pagdurusang dumapo sa mga kalipi nila.