Surah Al-Munāfiqūn (Ang mga Mapagkunwari — المنافقون) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




63 Al-Munāfiqūn(المنافقون), Talata 1

إِذَا جَاءَكَ الْمُنَافِقُونَ قَالُوا نَشْهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ لَكَاذِبُونَ 1 ١

Kapag dumating sa iyo ang mga mapagpaimbabaw ay nagsasabi sila: “Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh.” Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya. Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling. (1)

Tafsīr
Kapag dumalo sa pagtitipon mo, O Sugo, ang mga mapagpaimbabaw na nagpapalitaw ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh, sa totoo." Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya, sa totoo. Si Allāh ay sumasaksi na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling sa inaangkin nila na sila ay sumasaksi mula sa kaibuturan ng mga puso nila na ikaw ay Sugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba