Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 17)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 17

وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيْنَاهُمْ فَاسْتَحَبُّوا الْعَمَىٰ عَلَى الْهُدَىٰ فَأَخَذَتْهُمْ صَاعِقَةُ الْعَذَابِ الْهُونِ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 17 ١٧

Hinggil sa [liping] Thamūd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit umibig sila nang higit sa pagkabulag kaysa sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang nakakamit [na mga pagsuway]. (17)

Tafsīr
Hinggil sa Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ, nagpatnubay nga Kami sa kanila sa pamamagitan ng paglilinaw sa kanila ng daan ng katotohanan ngunit minagaling nila ang pagkaligaw kaysa sa kapatnubayan tungo sa katotohanan, kaya nagpahamak sa kanila ang lintik ng pagdurusang nang-aaba dahilan sa dati nilang nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba