Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 22

وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَتِرُونَ أَنْ يَشْهَدَ عَلَيْكُمْ سَمْعُكُمْ وَلَا أَبْصَارُكُمْ وَلَا جُلُودُكُمْ وَلَٰكِنْ ظَنَنْتُمْ أَنَّ اللَّهَ لَا يَعْلَمُ كَثِيرًا مِمَّا تَعْمَلُونَ 22 ٢٢

Hindi kayo dati nagtatakip [ng mga sarili] na baka sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo; subalit nagpalagay kayo na si Allāh ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo [na mga pagsuway]. (22)

Tafsīr
Hindi kayo dati nagkukubli nang gumagawa kayo ng mga pagsuway upang hindi sumaksi laban sa inyo ang mga pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, ni ang mga balat ninyo dahil kayo ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa ni sa gantimpala matapos ng kamatayan; subalit nagpalagay kayo na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo, bagkus nakakukubli sa Kanya, kaya naman nalinlang kayo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba