Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 22 sa 54 • Tagalog


وَمَا كُنْتُمْ تَسْتَتِرُونَ أَنْ يَشْهَدَ عَلَيْكُمْ سَمْعُكُمْ وَلَا أَبْصَارُكُمْ وَلَا جُلُودُكُمْ وَلَٰكِنْ ظَنَنْتُمْ أَنَّ اللَّهَ لَا يَعْلَمُ كَثِيرًا مِمَّا تَعْمَلُونَ 22
Pagsasalin:
Hindi kayo dati nagtatakip [ng mga sarili] na baka sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo; subalit nagpalagay kayo na si Allāh ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo [na mga pagsuway]. Fuṣṣilat 41:22
Tafsīr:
Hindi kayo dati nagkukubli nang gumagawa kayo ng mga pagsuway upang hindi sumaksi laban sa inyo ang mga pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, ni ang mga balat ninyo dahil kayo ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa ni sa gantimpala matapos ng kamatayan; subalit nagpalagay kayo na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo, bagkus nakakukubli sa Kanya, kaya naman nalinlang kayo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 21 Susunod Fuṣṣilat • Talata 23