Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 66)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 66

الْآنَ خَفَّفَ اللَّهُ عَنْكُمْ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمْ ضَعْفًا ۚ فَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ مِائَةٌ صَابِرَةٌ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ أَلْفٌ يَغْلِبُوا أَلْفَيْنِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ مَعَ الصَّابِرِينَ 66 ٦٦

Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo at nalaman Niya na sa inyo ay may kahinaan. Kaya kung mayroon sa inyong isang daang magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; at kung mayroon sa inyong isang libo, dadaig sila ng dalawang libo ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis. (66)

Tafsīr
Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, dahil sa nalaman Niya na kahinaan ninyo. Kaya nagpagaan Siya sa inyo bilang kabaitan sa inyo mula sa Kanya kaya nag-obliga Siya sa isa kabilang sa inyo na magpakatatag sa harap ng dalawa kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa halip ng sampu kabilang sa kanila. Kaya kung kabilang sa inyo ay isang daang magtitiis sa pakikipaglaban, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay isang libong magtitiis, dadaig sila ng dalawang libo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis kabilang sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-alalay at pag-aadya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba