Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 38

فَإِنِ اسْتَكْبَرُوا فَالَّذِينَ عِنْدَ رَبِّكَ يُسَبِّحُونَ لَهُ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَهُمْ لَا يَسْأَمُونَ ۩ 38 ٣٨

Ngunit kung nagmalaki sila, ang mga nasa piling ng Panginoon mo ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at maghapon habang sila ay hindi nanghihinawa [sa pagsamba sa Kanya]. (38)

Tafsīr
Ngunit kung nagmalaki sila, umayaw sila, at hindi sila nagpatirapa kay Allāh, ang Tagalikha, ang mga anghel naman na mga nasa piling ni Allāh ay nagluluwalhati sa Kanya at nagpupuri sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa gabi at maghapon nang magkakasama habang sila ay hindi nagsasawa sa pagsamba sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba