Ngunit kung nagmalaki sila, ang mga nasa piling ng Panginoon mo ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at maghapon habang sila ay hindi nanghihinawa [sa pagsamba sa Kanya]. Fuṣṣilat 41:38 ⧉
Tafsīr:
Ngunit kung nagmalaki sila, umayaw sila, at hindi sila nagpatirapa kay Allāh, ang Tagalikha, ang mga anghel naman na mga nasa piling ni Allāh ay nagluluwalhati sa Kanya at nagpupuri sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa gabi at maghapon nang magkakasama habang sila ay hindi nagsasawa sa pagsamba sa Kanya.