Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fuṣṣilat — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Fuṣṣilat • Talata 39 sa 54 • Tagalog


وَمِنْ آيَاتِهِ أَنَّكَ تَرَى الْأَرْضَ خَاشِعَةً فَإِذَا أَنْزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ ۚ إِنَّ الَّذِي أَحْيَاهَا لَمُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۚ إِنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 39
Pagsasalin:
Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Fuṣṣilat 41:39
Tafsīr:
Kabilang sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya, at sa kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli ay na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay walang halaman ngunit kapag nagpababa sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay kumikilos ito dahilan sa paglago ng nakatago rito na mga binhi at umaangat ito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa lupang patay sa pamamagitan ng halaman ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay at tagabuhay sa kanila para sa pagtutuos at pagganti. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan ang pagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito ni ang pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay na muli sa kanila mula sa mga libingan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fuṣṣilat • Talata 38 Susunod Fuṣṣilat • Talata 40