Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba. Fuṣṣilat 41:37 ⧉
Tafsīr:
Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya ang gabi at ang maghapon sa pagsasalitan ng dalawang ito, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa, O mga tao, sa araw at huwag kayong magpatirapa sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh lamang na lumikha sa mga ito, kung kayo ay sumasamba sa Kanya nang totohanan.